Sunday, January 15, 2012

Ecological Solid Waste Management Act of 2000

1 comments
Ipinaguutos ang Mga Sumusunod:
  1. Pagbubukod ng Basura
  2. Paggawa ng Material Recovery Facility
  3. Paggawa ng Compost sa barangay
  4. Hiwalay na Koleksyon ng Basura

Mga Ipinagbabawal at Parusang ipapatupad:
  1. Pagtapon ng basura sa mga pampublikong lugar o hindi sa mga itinakdang lugar; Parusa: Multa ng 300- 1000 o isang araw na community service o pareho
  2. Pagsunog ng Basura; Parusa: Multa na 300- 1000 o 15 araw- 6 na buwang pagkakulong o pareho
  3. Pagpayag sa paghakot ng di pagbubukod-bukod na basura; Parusa: Multa na 300- 1000 o 15 araw- 6 na buwang pagkakulong o pareho
  4. Pagnanakaw o pagkuha ng mga nareresiklo na para sa mga itinakdang kolektor; Parusa: Multa na 300- 1000 o 15 araw- 6 na buwang pagkakulong o pareho
  5. Paghalo ng mga pinagbuklod na basura; Parusa: Multa na 500 o higit pa ayon sa itinakda ng batas.

Hinihikayat ang mga sinuman na magsampa ng kaso sa mga lumalabag sa batas

Tamang Paraan ng pagbubuklod ng basura:

Nareresiklo- Papel, karton, boteng babasagin at plastik, lata, yero, bakal, tanso, aluminum at iba pa.
Panapon- Disposable Diapers, Sanitary Napkins, balat ng kendi sachets, upos ng sigarilyo at iba pa.
Nabubulok- balat ng prutas at gulay, kaliskis, bituka, hasang at tinik ng isda, tuyong dahon, tirang    pagkain at iba pa.
Special Waste- Thinner, pintura, langis, chemicals at iba pa.

Four R/s of ESWN
  • Reduce - Bawasan ang basura na inilalabas
  • Reuse - Linisin ang mga gamit at bagay na maari pang gamitin uli
  • Recycle - Ipunin ang mga gamit na maaaring iproseso upang makagawa ng panibagong produkto.
  • Restore -Ang pagbabalik anyo o kalagayan ng gamit o kasangkapan sa halip na itapon upang makabawas ng basura.

One Response so far

  1. clar says:

    Magandang batas para ating kapaligiran.Naway kapwa ko pilipino ay sumonod sa batas na to Sakit.info

Leave a Reply