Sunday, January 15, 2012

Ordinance 01

2 comments
ORDINANSANG PAMBARANGAY BLG. 001
SERYE 2011


ORDINANSANG NAGBABAWAL SA LAHAT NG NAGNENEGOSYO SA NASASAKUPAN NG
BARANGAY MOLINO III, BACOOR, CAVITE NA GUMAMIT NG SUPOT NA PLASTIC BILANG
SISIDLAN NG KANILANG PANINDA O PRODUKTO


KUNG SAAN, ang isang matinding suliranin na kinakaharap ng buong mundo ay ang padami o pagdami
ng basurang plastic at mga kauri nito ayon sa isinagawang pag-aaral ay maraming taon
at panahon ang lilipas bago matunaw at wala rin namang lubos na kapakinabangan.


KUNG SAAN, sa patuloy na paggamit ng mga nasabing supot na plastic at mga kauri nito ay maaring
magdulot ng bundok-bundok na basurang hindi natutunaw, hindi lamang sa ating bansa
kundi sa buong mundo, na makakasira hindi lamang sa ating kapaligiran kundi sa buong
daigdig sa pamamagitan ng malawakang pagbaha at iba pang uri ng kalamidad.


KUNG SAAN,maging sa ating lugar ay hindi lubusang maisaayos ang pagtatapon ng basurang plastic na
nagiging dahilan ng pababara ng mga kanal pati na rin sa mga ilog at iba pang daluyan ng
tubig na nagiging dahilan ng mga pagbaha ay gayundin ang pagkasira ng mga nasabing ilog.


KUNG SAAN, napatunayan din sa mga isinagawang pag-aaral na ang pagsunog sa mga basurang Plastic
ay hindi rin maaring gawing solusyon upang mabawasan ang mga nasabing basura dahilan
sa ang usok na idinudulot nito ay magiging malaking panganib sa kalusugan ng mga tao
at iba pang nabubuhay na nilalang sa daigdig dahilan sa mga asidong idinudulot nito sa
hangin.


KUNG SAAN, dahilan na rin sa layunin ng Sangguniang Barangay Molino III na mapangalagaan ang
kapaligiran at makatulong upang mabawasan ang mga suliranin kinakaharap ng buong mundo
ay napagkasunduan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Barangay na pagtibayin at ipatupad
ang ordinansang ito na nagbabawal sa lahat ng mga nagnenegosyo na nasasakupan ng
Barangay Molino III na gumamit ng supot na plastic sa kanilang pagnenegosyo.


KUNG KAYA'T DAHIL DITO, ayon na rin sa mungkahi ni Kagawad Reynaldo A. Canales sa isinagawang
pagpupulong noong ika-7 ng Marso 2011 ay lubusang napagkasunduan ng lahat ng miyembro
ng Sangguniang Barangay Molino III, Bacoor, Cavite na;


SEKSYON 1. lahat ng establisyementong pangnegosyo o mga nag-nenegosyo sa buong nasasakupan
ng Barangay MOlino III, Bacoor, Cavite ay pinagbabawalang gumamit ng supot na plastic sa kanilang
pag-nenegosyo.



SEKSYON 2. ang sinuman o alinmang establisyementong pangnegosyo o mga nagnenegosyo o maging
maglalako (Vendors) na mapatunayang lumabag sa ordinansang ito ay papatawaran ng parunsang gaya ng mga
sumusunod:


Unang paglabag: Multang nagkakahalaga ng Isang Libong Piso (PHP 1,000.00) at isang (1) araw na
paglilingkod sa pamayanan.


Ikalawang Paglabag: Multang nagkakahalaga ng Tatlong Libong Piso (PHP 3,000.00) at tatlong araw
na paglilingkod sa pamayanan.


Ikatlong Paglabag: Pagpapawalang bisa sa karapatang magnegosyo sa nasasakupan ng Barangay Molino III
at iba pang parusang itinakda ng batas.


SEKSYON 3. Kung alinman sa mga bahagi ng Ordinansang ito ay hindi tumutugma sa mga batas na pinaiiral
ng Republika ng Pilipinas ang ibang bahagi nito ay mananatili, malibang ito ay palitan o pawalang bisa.


SEKSYON 4. Ang ordinansang ito ay magkakabisa sa sandaling ito ay pahintulutan ng Sangguniang Bayan o
alinmang ahensya ng Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas at matapos na ito ay maipaalam sa mga kinauukulan.


Pinagtibay ng Sangguniang Barangay Molino III, Bacoor, Cavite ngayong ika-15 ng Marso 2011.

2 Responses so far

  1. Unknown says:
    This comment has been removed by the author.
  2. Unknown says:

    GOOD DAY PO ASK KO LANG PO ANG TUNGKOL SA KAPITBAHAY KO PO S CITTA ITALIA PH 10 KUNG PWEDE PO BA MAGALAGA NG SOBRANG DAMI PUSA AT ASO TAPOS NAPKAINGAY PO KAPAG NGSABAY SABAY NA NAGKAKAHULAN LALO NA PO SA GABI AT NAKAKAISTORBO PO SA PAGTULOG SANA PO IPPAGBAWAL DN PO NIO ANG GANITO PWEDE KO PO BA MALAMAN KUNG MAAKSIYONAN PO ANG GANITONG PROBLEMA SALAMAT PO HOMEOWNERS PO AQ SA CITTA ITALIA AT MATAGAL KO NA PO PROBLEMA ANG KAPITBAHAY KO PO NA ITO

Leave a Reply